Deadma

If you don’t understand what the title of this post reads, then forget about reading the rest of the entry which will be in Tagalog. 

Matagal ko ng gustong mag-umpisa na magsulat sa wikang sariling atin ngunit madalas akong maubusan ng “Tagalog” at naiiwang nakabitin sa wikang Ingles sa aking isipan ang nais kong sabihin.  Heto na naman ako at nagsisikap na makasulat sa wikang Pilipino.. kahit pa medyo mapurol na ang aking pananagalog, (kahit pa ginagamit namin itong wikang pang-araw-araw sa aming tahanan, lalo pa’t nais kong lumaki ang aking anak na nagsasalita at nakakaintindi ng wikang Tagalog), siguro naman maisusulat ko ang niloloob ko dala ng aking galit.

Dito sa New York, matatagpuan mo na yata ang lahat ng klase ng kasarinlan — mapa-Asyano, Europeano, Intsik, Itim or Puti.  Hindi ka makakaramdam ng panliliit na kasama ka sa minorya, sapagkat lahat ng uri ay matatagpuan mo sa lahat ng sulok ng ciudad na ito.  Hindi gaya sa ibang lugar kung saan nangyari na na napasyal kami ni Alan, at laking pagkagulat namin na kami lang ang Asyanong mamamataan mo sa paligid.  Nangyari na ito ng bumisita kami sa bayan ng mga Amish sa Pennsylvania.   Pumasok kami sa isang maliit na bario na nagbibigay ng mga “tours,” (ayan na, naubusan na.. LOL) at kami lang ang hindi puti.  Taas noo naman kaming nagsabing taga-New York kami ng tanungin kung saang lupalop galing ang halos dalawampung taong nakisali.

Bakit nga ba ako nagsusulat sa Tagalog?  Nais ko kasing talakayin ang isang medyo maselang bagay na ayokong pagmulan ng sangdamukal na mungkahi mula sa mga tatamaan.  (Sabi nga nila, bato-bato sa langit, tamaa’y huwag magalit —  at kung isusulat ko ito sa wikang Ingles, maraming tatamaan.. aray!)

Aaminin ko, maski ako, merong matatawag na bias tungkol sa ilang bagay.  Isa na rito ang pananaw ko na mahirap makatrabaho ang mga itim.  Hindi ko sila nilalahat — meron din namang mga itim na talaga namang hahangaan mo sa tindig, talino, kabaitan at angking kakayanan sa iba’t-ibang larangan ng kultura.  Hindi ba’t sila ang nangunguna sa larangan ng musika — at kahit pa nitong mga nakaraang taon pa lamang sila nabigyan ng parangal sa larangang ng pelikula, matagal ng humahakot ng milyones sa takilya ang kanilang mga obra.

Dito sa aking pinagtatrabahuan, maraming itim akong nakakasalamuha.  Kapansin-pansin na sa grado ng Amo ko, (isang SVP), mabibilang mo ang itim.  Karamihan sa kanila ay nasa baitang ko, ngunit nasa mas mababang grado.  Bilang isang sekretarya, madalas kong makahalubilo ang mga ito, kasama na ang iba pang mga sekretarya na iba-iba ang kasarinlan.  Doon sa dating grupo na pinangunahan ng amo ko hanggang malipat kami ng departamento, may anim na sekretary na mas mababa ang ranggo kesa akin, at tatlo sa kanila ay itim.

Sa isang banda, masarap katrabaho ang mga itim dahil sila yung mga babagsak sa kategoryang tinatawag nating mga “kenkoy” at masayahin.  Bihira sa kanila ang pormal, at kahit pa matatawag nating magaslaw minsan ang kanilang asta, karamihan sa kanila ay likas na masayahin. 

Ang reklamo ko sa kanila ay ang kanilang ugali pagdating sa trabaho.  Dala marahil ng ilang taong pang-aapi sa kanila dito sa kanilang lupang sinilangan, at ang halos dalawang siglong pagkaka-alipin sa kanila ng mga puti, marami silang hinanakit at himutok sa buhay na magpahanggang ngayon ay dala-dala nila at pinapasan.  Lagi silang “feeling api.”

Palaban sila kung palaban.  Minsan, may pagka siga.  Sinasabi ng ilan na ang dahilan ng kanilang katigasan ay ang kanilang hinampo tungkol sa pagiging api.

Merong isang bagong salta na noong umpisa pa lamang ay naging mabait naman ang pakikitungo sa akin.  Dahil karamihan ng tanong niya tungkol sa trabaho ay nasasagot ko, maamo siyang makitungo sa akin at totoo namang ultimo spelling tinanong pa sa akin.  Maganda naman ang pakitungo niya, kaya’t ganoon din ako.  At hindi naman ako maramot sa trabaho — kung mas alam ko ang isang bagay, hindi ako nagdadalawang-isip tumulong.

Minsan hindi ko naman sinasadya at nagkataon lang, lahat ng hinihingi niya, hindi ko mapagbigyan.  At mula pa noon, ang pananaw ko sa trabaho, walang personalan — kung hindi, hindi.  Kahit pa kaibigan kita, kung hindi namin maibibigay ang hinihingi mo, tapatan kong sasabihin sa yo.  Ayun pala, pakiramdam niya, wala akong ginawa kung hindi ang barahin siya.  Doon nagsimulang magkalamat ang akala ko’y aming pagkakaibigan.

Unti-unti ko ring napansin na hindi lamang siya sa akin nag-umpisang maging mabagsik, kundi sa iba na nakakarinig ng kanyang asta.  At tulad ng dati, hindi ko naman pinersonal.  Ang sa ganang akin, kung ganyan ang pakikitungo mo, wala akong problema basta’t huwag mo akong aargabyaduhin.  Hindi ko naman iniyakan ang aming pagiging magkatrabaho imbes na magkaibigan.  Tanggap ko na mahirap makahanap ng totoong kaibigan, lalo na sa trabaho kung saan kadalasan, ang kabaitan ay pagiging madiplomasya lamang at kinakailangan sa isang kumpanya gaya ng pinagtatrabahuan ko.

Ang Amo ng sekretaryang ito ay dating tauhan ng Amo ko.  Mula noong nalipat kami, hindi na rin sila mag-amo.  Mayroong mga e-mail na bumabagsak pa rin sa amin kahit pa hindi na kami nasa sa isang departamento.  Simple lang naman ang ginawa ko — ipinadala ko sa Amo niya at sa kanya ang ilang ulit ng bumabagsak na ulat upang iparating lang naman sa kanila na hanggang ngayon, pumupunta pa rin sa Amo ko yon.  Malay ko ba na ipagpapanting ng tenga ni Itim ang pagkakasali ko sa Amo niya sa sulat ko. Akala niya yata, gusto ko siyang ipahamak.   Ang sa akin lamang, kailangang malaman nilang nangyayari pa rin ito, dahil may isang buwan na mula ng lumipat kami at hindi na normal na nakatatanggap pa rin kami ng mga ulat tungkol sa departamento nila.

Habang mainit ang ulo niyang nagrerenda siya sa telepono, tiim-bagang kong pinakinggan at ipinaliwanag sa kanya na kung naiirita ang gusto kong tono, hindi ko sana isinulat ng napakamalunay ang pahiwatig ko.  At tinawagan pa niya ako kung kailan nagmamadali ako dahil inaayos ko ang papeles ng amo ko pauwi, at kahit pa nagmamadli akong ibaba ang telepono, pilit pa rin niyang iginigiit na patapusin ko daw siya.  Kaya’t kahit gusto ko ng ibagsak ang telepono at tapusin ang dapat tapusin, hinayaan ko siyang magsalita.  Matapos kong magpaliwanag, humingi siya ng paumanhin ngunit sabi ko, hindi ko kailangan ng paumanhin niya dahil wala naman akong intensyong ipahamak siya sa Amo niya, atbp.

Nakakalungkot isipin na ganito ang nangyari sa amin, gayong maaari namang pag-usapan ng mahinahon ang lahat.  Imbes na magkaintindihan kami, inuuna niya ang galit.  Ngayon tuloy, deadma siya sa akin.